dzme1530.ph

Insurance policy na sumasaklaw sa mga Health Maintenance Organization, pinaaamyendahan

Nais ni Senador Christopher “Bong” Go na amyendahan ang Insurance Code upang mabigyang pokus at linaw ang superbisyon sa Health Maintenance Organizations (HMOs).

Layun ng Senate Bill 425 ni Go na pangalagaan ang interes at kapakanan ng policy holders, maipatupad ang transparency, at tiyaking epektibo ang polisiya ng insurance sector.

Binigyang-diin ni Go na krusyal ang papel ng HMOs sa pagbibigay ng abot kayang healthcare coverage sa mga Pilipino.

Ipinaliwanag ng senador na bagamat saklaw ng Insurance Commission ang mga HMOs, hindi naman malinaw ang mga probisyon para rito.

Nais ni Go na maging maliwanag sa batas ang regulatory coverage sa HMOs upang matiyak na susunod sila sa high standards ng service delivery at financial stability.

Nais ding bigyang linaw sa batas ang isyu ng misrepresentation of coverage, denial of claims, at abrupt termination of contracts.

Naniniwala si Go na sa mas mahigpit na oversight ay makatitiyak na matutupad ang lahat ng obligasyon ng HMOs sa kanilang policyholders. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author