Umabot na sa kabuuang 2,742 ang insidente ng sunog sa buong bansa sa unang dalawang buwan ng 2024.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mas mataas ito ng 23% kumpara sa 2,224 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.
Batay sa datos ng BFP, lumobo sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa sunog simula Jan. 1 hanggang Feb. 26, mula sa 39 noong nakaraang taon.
Umakyat din sa P1.23 billion ang halaga ng pinsala ng sunog simula Enero hanggang Pebrero ngayong taon kumpara sa P1.11 billion na naitala sa unang dalawang buwan ng 2023.