dzme1530.ph

Init sa NCR, posibleng umabit sa 41°C

Posibleng makaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas at CARAGA dahil sa easterlies at Intertropical Convergence Zone (ICZ).

Ayon sa PAGASA, maaari rin magdulot ng flash floods o landslides ang moderate hanggang heavy rainfall.

Sa Metro Manila naman at iba pang parte ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms.

Maaring umakyat sa 40 hanggang 41 degrees Celsius ang heat index sa NCR. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author