dzme1530.ph

Inisyatiba ni House Speaker Romualdez na i-develop ang Pag-asa Island, suportado ni Rep. Libanan

Suportado ni House Minority Floor Leader at 4P’s Partylist Rep. Marcelino Nonoy Libanan, ang inisyatiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na i-develop ang Pag-asa Island.

Ayon kay Libanan may tatlong proyekto na nakita si Romualdez para sa Pag-asa, una ang expansion ng runway, pag-repair sa sirang pantalan o warf na silungan ng mga pangingisda at barko, at ang potensiyal na maging tourist destination ito.

Kung mapapahaba ng 500-meters ang runway at malalaparan ang sukat nito, hindi malayo na maka-attract ito ng turista dahil sa hindi umano maikakaila ang ganda ng lugar na mala-Maldives.

Mahalaga rin ayon kay Libanan na ma-repair ang sirang pantalan dahil ito ang nagsisilbing kanlungan ng mga mangingisda at barko sa tuwing may bagyo.

Sa taong 2024, maglalaan ang Kongreso ng inisyal na P3-B para sa naturang plano.

Gayunman sinabi ni Libanan na kulang ang ire-realign na CIF dahil nasa P9-B ang kabuuhang pondo na gugugulin sa pag-sasayos nito. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author