dzme1530.ph

Inilabas na babala ng FDA sa ilang uri ng lato-lato, ikinalugod ng Ban Toxics

Ikinalugod ng isang toxic watchdog group ang pag-iisyu ng Food and Drug Administration (FDA) ng public health warning laban sa pagbili at paggamit ng muling nauusong laruang “lato-lato” na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

Sa abiso ng FDA, walang Certificate of Product Notification at hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng laruang ito gaya ng unlabeled green lato-lato, pro-clackers na may ilaw at lato-lato na ibinebenta sa online shopping platforms, lato-lato toys na may handle glow in the dark, lato-lato toy-toy, at tok-tok old school toy.

Sinabi ni Thony Dizon, Toxics Campaign ng Ban Toxics na tama ang desisyon ng FDA na maglabas ng health warning upang mapigilan ang ilang potential safety concerns sa mga bata kabilang ang pagkabilaok o choking, eye injury, at pagkakaroon ng mga pasa at pamamaga.

Gayunman, hinikayat ng grupo ang regulatory agencies, kabilang ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang advisories at kumpiskahin ang mga hindi rehistradong laruang lato-lato. —sa panulat ni Airiam Sancho

FDA Crackdown on 'Unauthorized' Lato-Lato Toys in the PH

About The Author