dzme1530.ph

Information campaign kaugnay sa libreng pagbabakuna, dapat paigtingin ng gobyerno

Nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go sa mga ahensya ng gobyerno kasama na ang Department of Health na paigtingin ang information campaign sa free vaccinations.

Binigyang-diin ni Go na posibleng kumalat ang preventable diseases kung hindi maisasaayos ang immunization rates.

Ipinaalala ni Go na sa halip na gumastos sa pagpapagamot, mainam na maiwasan ang sakit sa pamamagitan ng pakikiisa sa libreng pagbabakuna.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng ulat ng DOH na hindi nila nakamit ang Full Immunization Coverage target noong 2024 dahil 61% lamang ng mga bata ang nakatanggap ng kumpletong bakuna partikular laban sa tigdas, polio at diphtheria.

Muli ring binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng pagpapalakas ng access sa health services sa buong bansa sa pamamagitan ng Malasakit Centers, Super Health Centers at Regional Specialty Centers.

Patuloy ding isinusulong ni Go ang kanyang adbokasiya sa pagtatayo ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) at pagtatayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines.

Iginiit na dapat handa ang lahat sa pagdating ng mga sakit sa halip na aaksyon lamang kapag may outbreak o pandemya na. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author