dzme1530.ph

Inflation sa bigas, sumipa sa 14-year high 17.9% para sa buwan ng Setyembre

Sumipa sa 17.9% ang inflation rate para sa bigas sa bansa noong Setyembre, na itong pinaka-mataas sa nagdaang 14 na taon mula nang maitala ang 22.9% rice inflation noong Marso 2009.

Ito rin ay doble mula sa 8.7% rice inflation noong Agosto.

Bahagi ito ng 10% food inflation, na itinuturong pangunahing nagtulak sa naitalang 6.1% inflation rate para sa buwan ng Setyembre.

Sinabi pa ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang rice inflation ay kumatawan sa 8.87% ng kabuuang inflation noong nakaraang buwan.

Sumipa ang rice inflation sa kabila ng ipinatupad na mandated price ceiling sa bigas, na binawi na kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ipinaliwanag naman ni Mapa na ang price ceiling sa bigas ay maaaring may “mixed results” dahil sa pagkakaroon ng marami pang varieties ng bigas bukod sa regular at well-milled rice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author