Nangunguna pa rin ang inflation bilang top national concern ng mga Pilipino, ayon sa survey ng OCTA Research.
Sa resulta ng pag-aaral na nilahukan ng 1,200 respondents noong March 11 hanggang 14, 2024, umabot sa 66% ng mga Pinoy ang nababahala sa pagkontrol ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, na dapat agarang tugunan ng administrasyong Marcos.
Sinundan ito ng pagpapabuti o pagtataas ng sahod ng mga manggagawa at ang access sa mas abot-kayang pagkain tulad ng bigas, mga gulay, at karne na nasa 44%.
33% naman para sa paglikha ng mas maraming trabaho, at 20% sa pagtugon sa kahirapan.
Nakita rin sa survey na hindi gaanong alalahanin ng mga Pilipino ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 na may 2%, pagprotekta sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker, 2%; paghahanda para sa anumang uri ng banta ng terorismo, 1%, at Charter change, 1%.