dzme1530.ph

Inflation rate sa bansa noong Setyembre, bumagal sa 1.9%

Muling bumagal ang inflation sa bansa, noong buwan ng Setyembre ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Claire Dennis Mapa, PSA Chief at National Statistician, naitala sa 1.9% ang September inflation, mas maluwag kumpara sa 3.3% noong buwan ng Agosto.

Mas mababa ito sa average rate ng bansa na nasa 3.4% inflation rate.

Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng mabagal na inflation ay ang mabagal din na paggalaw ng presyo ng food at non-alcoholic beverages na mayroong 4.9% inflation. —sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author