Bumagal pa ang inflation rate o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa ika-limang sunod na buwan noong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, sinabi ni PSA chief Claire Dennis Mapa na bumaba ito sa 5.4% noong nakaraang buwan mula sa 6.1% noong Mayo, kaya’t umabot na sa 7.2% ang year-to-date inflation.
Pasok naman sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.3% hanggang 6.1% ang naitalang inflation para sa buwan ng Hunyo, subalit mas mataas ito sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Samantala, iniuugnay ang mababang inflation sa mabagal na paggalaw ng presyo ng pagkain, transportasyon, at utilities. —sa panulat ni Airiam Sancho