Bumilis ng may 3.7% ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bahagyang mas mataas ito kumpara sa naitalang 3.4% noong Pebrero.
Dahil dito, ang average inflation mula Enero hanggang Marso ay nasa 3.3%.
Nangungunang dahilan ng pagbilis ng inflation ang pagtaas ng presyo ng food and non alcoholic beverages partikular ang baboy, manok, bigas at sibuyas.
Nakaambag din sa inflation ang restaurant and accomodation services, maging ang transport dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel at pamasahe.