dzme1530.ph

Inflation rate ngayong Hunyo, posibleng bumaba sa 5.3% hanggang 6.1%

Nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy na bababa ang inflation rate sa ika-5 sunod na buwan ngayong Hunyo.

Batay sa pagtaya na inilabas ng Central Bank ngayong araw, posibleng bumagal sa 5.3% hanggang 6.1% ang galaw ng presyo ng mga bilihin, na ini-uugnay sa mababang presyo ng mga karne, prutas, at rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas.

Patuloy naman na binabantayan ng BSP ang development na maka-aapekto sa inflation at monetary policy.

Samantala, ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na datos sa inflation sa July 5. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author