Tinatayang tataas ang inflation rate o ang paggalaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo ngayong Marso.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, posible itong umabot sa 3.9% hanggang 4%.
Nakikitang dahilan ng maaaring pagsirit ng inflation ang matinding epekto ng El Niño phenomenon sa ilang lalawigan sa bansa.
Samantala, pasok pa rin ang pagtaya sa 2% hanggang 4% target range ng BSP.