Bahagyang bumaba ang inflation rate o ang pagtaas ng presyo ng mga serbisyo at produkto sa 8.6% noong Pebrero.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 8.7% na naitala noong Enero.
Pasok din ito sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 8.5% hanggang 9.3%.
Samantala, kabilang sa dahilan nang pagbaba ng inflation ang mabagal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang may kaugnayan sa transportasyon.