dzme1530.ph

INFLATION, POSIBLENG PUMALO SA 6 TO 7% NGAYONG TAON KUNG MAGPAPATULOY ANG GULO SA MIDDLE EAST

Loading

Tinaya ng development organization na Ibon Foundation na bibilis sa 6% to 7% ang inflation sa katapusan ng taon kung magpapatuloy ang kaguluhan sa Middle East.

 

Sinabi ni Ibon Executive Director Sonny Africa na kung noong Pebrero ay nasa 2.4% ang inflation, malamang ngayong Marso ay aakyat ito sa 5% hanggang sa kalagitnaan ng taon.

 

Idinagdag ni Africa na hindi naman sasabay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin ang sahod at hindi rin naman aniya madaragdagan ang trabaho.

 

Nagbabala rin si Africa na kung mabibigo ang pamahalaan na magbigay ng long-term solutions, mas maraming Pilipino ang maghihirap.

About The Author