dzme1530.ph

INFLATION, PINAKA-INAALALA NG MAS NAKARARAMING PINOY, AYON SA PULSE ASIA SURVEY

Loading

Nananatili ang pagkontrol sa inflation sa pinaka-urgent national concern ng mga Pilipino, batay sa pinakahuling Pulse Asia survey.

 

Sa February 27 to March 2, 2026 survey sa 1,200 respondents, nangunguna pa rin ang pagkontrol sa inflation sa pinaka-inaalala ng mga Pilipino na nasa 59% mula sa 18 selected issues, na virtually hindi nagbago sa pagitan ng December 2025 at March 2026.

 

Sumunod sa inflation ang graft and corruption sa pamahalaan, 47%; at umento sa sweldo ng mga manggagawa, 36%.

 

Kabilang sa iba pang immediate concerns ay pagbaba sa kahirapan, 21%; paglikha ng mga trabaho, 21%; paglaban sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga, 21%; at pagsugpo sa kriminalidad, 17%.

About The Author