Bumagal sa 0.9% ang inflation rate ng Pilipinas noong July 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito kumpara sa 1.4% noong Hunyo at 4.4% sa parehong panahon noong 2024.
Ayon sa PSA, isa sa mga dahilan ng pagbaba ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo sa pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel, na nasa 2.1%, mula 3.2% noong Hunyo.
Bumaba rin ang presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, na nagtala ng 0.2% annual decrease, habang ang transportasyon ay mas mabilis ang pagbaba sa 2% mula sa dating 1.6%.
Dahil dito, ang average inflation mula Enero hanggang Hulyo ay nasa 1.7%, na pasok pa rin sa target na 2% hanggang 4% ng pamahalaan para sa taong 2025 hanggang 2028.