dzme1530.ph

Inflation, nananatiling ‘most urgent concern’ ng nakararaming Pinoy —OCTA survey

Para sa mayorya ng mga Pilipino, nananatili ang Inflation bilang most urgent national concern, batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Sa June 26 to July 1 Tugon ng Masa Survey na nilahukan ng 1,200 adult Filipino respondents, 65% ang nagsabing ang pagkontrol sa bilis ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ang dapat unahin ng gobyerno.

Sinundan ito ng alalahanin sa pagkakaroon ng abot-kayang presyo ng pagkain na mayroong 40%; umento sa sweldo, 33%; pag-ahon sa kahirapan, 33%; at libreng dekalidad na edukasyon, 28%.

About The Author