dzme1530.ph

Inflation, nais pagtuunan ng pansin sa SONA — Pulse Asia

Loading

Nais ng karamihan sa mga Pilipino na talakayin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isyu ng inflation sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA), ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Batay sa datos, 32.9% ng mga respondent ang nagsabing dapat unahin ng Pangulo ang mga hakbang laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, na pangunahing isyu sa Metro Manila, Visayas, at sa mga nasa Class D households.

Kabilang sa iba pang prayoridad ng publiko ay ang pagtaas ng sahod (13.6%), kapayapaan at kaayusan (13.2%), pagpapalawak ng hanapbuhay (9.8%), pagbawas sa kahirapan at gutom (7.4%), at suporta sa agrikultura (4.1%).

Isinagawa ang survey noong June 26–30 sa 1,200 respondents, na may ±2.8% margin of error.

 

About The Author