![]()
Pumalo sa 11-month high ang inflation rate noong Enero bunsod ng tumaas na presyo ng housing at utilities.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), lumobo ng 2.0% ang consumer prices noong Enero, mas mabilis kumpara sa 1.8% noong December 2025, subalit mas mabagal kumpara sa 2.9% noong January 2025.
Ito ang pinakamabilis na inflation rate sa loob ng labing isang buwan, mula nang maitala ang 2.1% noong Pebrero ng nakaraang taon.
Iniugnay ng psa ang uptrent sa 3.3% na increase sa presyo ng housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels, na pinakamataas mula sa 3.8% noong August 2024.
