dzme1530.ph

Independent commission vs mga anomalya sa flood control projects, target pang palakasin ng Senado

Loading

Kumpiyansa si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na palalakasin ng Senado ang bubuuing Independent Commission na magbubusisi sa mga maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Sotto, layunin ng kaniyang isinusulong na panukala na bigyan ang independent body ng kapangyarihang mag-isyu ng subpoena, warrant of arrest, at maghain ng mga kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian.

Sinabi rin nito na suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala, kaya posibleng mapabilis ang pagpapasa nito.

Una rito, inihain ni Sotto ang Senate Bill 1215 o ang “An Act Creating an Independent People’s Commission” (IPC). Ang naturang komisyon ay magsasagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian sa lahat ng government infrastructure projects, partikular sa flood control projects.

Sasaklawin ng IPC ang mga anomalya tulad ng corruption, ghost projects, overpricing, at paggamit ng substandard materials sa mga proyekto ng national government, local government units, at government-owned and controlled corporations.

Bukod sa imbestigasyon, magrerekomenda rin ang komisyon ng paghahain ng mga kasong kriminal, civil, o administratibo laban sa mga lilitaw na sangkot sa katiwalian.

About The Author