Aminado si Sen. JV Ejercito na kailangan ng isang independent commission upang magsiyasat sa mga iregularidad sa flood control projects para matiyak na hindi madudungisan ang resulta ng imbestigasyon.
Giit nito, hindi dapat kabilang ang mga opisyal ng DPWH sa magsasagawa ng imbestigasyon.
Bagama’t may kapangyarihan ang Kongreso na magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation, mas mainam aniya na may hiwalay na independent body na binubuo ng mga inhenyero, propesyunal, retiradong mahistrado, at kinatawan mula sa simbahan at civil society groups.
Nilinaw ng senador na hindi lahat ng kontratista o kawani ng DPWH ay sangkot sa anomalya, gayundin na hindi lahat ng mambabatas ay may kinalaman. Ngunit dapat aniya papanagutin at parusahan nang mabigat ang mga mapapatunayang nagbulsa ng pera ng bayan.