![]()
Pinuna ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairperson ng House Committee on Justice ang inconsistency sa posisyon ng kampo ni VP Sara Duterte sa impeachment proceedings sa Kamara.
Kaugnay ito sa isinumiteng petition for certiorari ng mga abogado ni Duterte sa Korte Suprema na nakatuon sa due process.
Ayon kay Luistro, sa 2025 impeachment case nito, nagpasaklolo rin ito sa Supreme Court at humingi ng due process, na kinatigan ng Korte dahilan para maglatag ng mga panuntunan na siyang gabay ngayon o pamantayan ng Committee on Justice.
Subalit ngayon, kinukwestyon pa rin ito ng Bise Presidente.
Paglilinaw ni Luistro, ang ongoing proceedings ay hindi trial kundi bahagi ng constitutional process para determinahin kung nag-e-exist o hindi ang probable cause sa mga inaakusa para umusad ang trial sa Senado.
Sabi pa ni Luistro, tanging ang Senado, sitting as an impeachment court ang tanging may kapangyarihang magdesisyon kung siya ba ay guilty o inosente.
Pero trabaho nilang magtakda ng clarificatory hearings para silipin ang probable cause, na siyang pagbabatayan para magkaroon ng trial sa Senado o ang impeachment court.
