dzme1530.ph

Incoming ES Recto, handa sa bagong tungkulin sa administrasyon

Loading

Aminado si outgoing Finance Sec. Ralph Recto na nasorpresa siya sa paghirang sa kanya bilang Executive Secretary, subalit lubos ang kanyang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Pangulo.

Kasabay nito, inihayag ni Recto na bagama’t karangalan ang maging Executive Secretary, may katumbas naman itong mabigat na katungkulan.

Hindi rin siya sang-ayon na tawagin siyang “Little President” dahil iisa lamang anya ang Pangulo ng bansa at siya ay taong-bahay.

Nakiusap pa siya na alisin na ang paniniwala na may mythical awesome powers ang Executive Secretary.

Ibinahagi rin ni Recto na simple ang marching order sa kanya ng Pangulo, at ito ay ang pagtuunan ang governance, imonitor ang performance ng mga departamento, tiyakin na hindi sila distracted sa ingay pulitika, gampanan ang kanilang tungkulin, at tinutupad ang pangako sa taumbayan.

Tiniyak din ni Recto na lalayo siya sa limelight, hindi hahabol sa headlines kundi sa deadlines, at handang isubsob ang sarili sa paperwork.

Nangako rin ang opisyal na titiyaking properly vetted ang mga polisiya na ilalapag sa mesa ng Pangulo upang maging malinaw ang ilalabas na mga kautusan.

About The Author