dzme1530.ph

Incoming DepEd Secretary Angara, nakatakdang manumpa sa kanyang tungkulin

Manunumpa na sa kanyang bagong tungkulin bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si Former Senator Sonny Angara ngayong araw, Hulyo 19.

Kahapon ay naghain na si Angara ng kanyang Resignation Letter bilang senador ng Pilipinas kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Inilahad ni Angara sa kanyang resignation letter na 11 taon siyang nagsilbi bilang senador at sa panahong iyon ay nakapagpasa siya ng mga mahahalagang panukala.

Kabilang na dito ang may kaugnayan sa pagtitiyak na magiging mas accessible ang dekalidad na Edukasyon at Healthcare; pagpapataas ng Take Home Pay ng mga manggagawa, pagpapataas ng Social Pension ng mga Senior Citizen, pag exempt sa VAT ng mga Persons with Disabilities (PWD), pagbibigay ng insentibo sa mga atleta ng bansa at mga coach nila, at ang paglalaan ng suporta sa mga Tatak Pinoy Industries.

Nangako ang Secretary-designate na dadalhin niya ang portfolio niyang ito sa bagong papel na haharapin niya bilang kalihim ng DepEd.

Sa 2025 pa dapat matatapos ang termino ni Angara sa Mataas sa Kapulungan bago matapos ang dalawang magkasunod niyang termino.

About The Author