dzme1530.ph

Inaprubahang legislated wage hike bill, pinangangambahang mauwi rin sa wala

Loading

Nangangamba si Sen. Joel Villanueva na mauwi sa pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang minimum wage hike kung hindi rin magiging makatotohanan ang halagang isusulong.

Sinabi ni Villanueva na mahirap din naman para sa mga senador na basta na lamang iadopt ang inaprubahang ₱200 legislated minimum wage hike bill ng Kamara.

Ipinaalala ng senador na pinag-aralan ng Senado ang panukala at batay sa kanilang hearings, nagkasundo ang mga senador sa ₱100 wage hike.

Inamin ni Villanueva na ito ang unang pagkakataon na aabot sa bicam level ang legislated wage hike bill.

Kasama rin sa pinangangambahan ni Villanueva ang malagay sa alanganin ang Pangulo dahil kung hindi niya aaprubahan ang panukala ay siya ang lalabas na kontrabida.

About The Author