![]()
Binigyang go signal ng Board of Investments (BOI) ang 36.5 billion pesos na halaga ng investment pledges noong Pebrero.
Ayon sa BOI, ang February approvals ay mas mataas ng 27.2% kumpara sa 28.7 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Umakyat din sa 21 ang bilang ng approved investment projects noong ikalawang buwan mula sa anim noong February 2025.
Inaprubahan ng BOI ang 20.4 billion pesos na halaga ng investment pledges sa renewable energy sector, na kumakatawan sa 55.9% ng total approved pledges.
