dzme1530.ph

Inaasahang pagbabalik bansa ni Mary Jane Veloso, ikinatuwa ng Malakanyang

Ikinatuwa ng Malakanyang ang inaasahang pagdating ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

Ipinabatid ni Executive Sec. Lucas Bersamin ang pagkagalak sa Indonesia para sa pagpapauwi sa Pinay, na nakatakda bukas, December 18.

Ito umano ang ibinunga ng mahigit isang dekadang diskusyon, konsultasyon, at diplomasya.

Kaugnay dito, tiniyak na iwe-welcome si Veloso sa kanyang sariling bayan lalo na sa kanyang pamilya na matagal niyang hindi nakapiling.

Una nang sinabi ng Dep’t of Justice na mapapasakamay na ng Pilipinas ang ligal at pisikal na kustodiya kay Veloso, at maaari itong tuluyang makalaya sa oras na bigyan ng clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author