Sa Grand Opening Ceremony sa South Mega DC sa calamba city ngayong miyerkules, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa mga susunod na taon ay nakikitang makapagbibigay ang pasilidad ng nasa isanlibong trabaho para sa mga nakatira sa palibot na komunidad.
Lilikha rin ito ng karagdagan pang indirect employment para sa isanlibong indibidwal, kabilang ang vendors at service providers.
Samantala, sinabi rin ni Marcos na dahil sa pagbubukas ng grandiyosong distribution center ng Danish Company, nakikita ang pag-angat ng logistics system ng bansa na mag-uugnay sa mga isla, magpapasigla sa mga industriya at negosyo, at magalapit sa mga tao tungo sa kaunlaran.
Pinuri rin ni Marcos ang 14.8% na paglago sa transportation at storage sector sa 2nd quarter ng taon, na ito umanong pumapangalawa bilang fastest growing industry sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena