dzme1530.ph

Ina ng binatilyong biktima ng mistaken identity, ‘di kuntento sa naging hakbang ng PNP

Hindi pa rin makapanilwala si Rhoda Baltazar, ina ng binatilyong biktima ng mistaken identity na Jemboy Baltazar, sa sinapit ng kanyang anak.

Ayon sa ina ng biktima, bagamat wala siyang alam sa batas ay naiintindihan naman nito na sinadya ang pagpaslang sa kanyang anak.

Aniya tanghaling tapat ng pagbabarilin ang kanyang anak kaya imposibleng hindi nila makilala at wala man lang warning o intensyon hulihin ng Buhay.

Nagpapasalamat na rin aniya sila at nalaman ito ng media dahilan para mabigyan ng linaw ang nangyari sa kanyang anak.

Samantala, ngayon araw ang libing ni Jemboy Baltazar at hanggang sa huling sandali ay umaasa pa rin ang kanyang pamilya na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa binata.

Matatandaang, inaresto na ang anim na pulis sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at iimbestigahan na rin ng PNP ang mga matatas na opisyal na maaring makasuhan sa ilalim ng Doctrine of Command Responsibility. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author