Sa gitna ng panibagong importasyon, nananawagan si Senate Committee on Agriculture chairman Cynthia Villar na limitahan lamang ang rice importation upang hindi naman madehado ang mga lokal na magsasaka.
Sinabi ni Villar na hindi dapat lalagpas sa 15% na rice shortage ang aangkating bigas na kung maaari ay gawin na anyang government to government procurement.
Kasabay nito, tiniyak ni Villar na sa mga susunod na taon ay makakamit na ng bansa ang pagiging rice sufficient.
Ito ay kung magpapatuloy anya ang pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Program upang matugunan na ang 15% na rice shortage.
Sinabi ni Villar na batay na rin sa pahayag ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) marami nang paraan upang mapalago ang ani ng mga magsasaka at kung magpapatuloy din ang mechanization sa mga ito na sasapat na ang suplay ng bigas sa bansa. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News