dzme1530.ph

Importasyon ng asin, bumaba na sa 84% kaakibat ng paglakas ng lokal na produksyon

Bumaba na ang ini-import na asin ng Pilipinas kasabay ng paglakas ng lokal na produksyon.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutukan ang pag-develop sa salt industry kaakibat ng paglalaan ng pondo.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na mula sa 90%, bumaba na sa 84% ang inaangkat na asin.

Ito ay kasabay ng 16% na pagtaas sa local production.

Ayon kay Briguera, ito ang patunay na kayang palakasin ang salt industry kung ito ay tututukan.

Kaugnay dito, ikinalugod ng BFAR ang pagsasabatas sa Salt Industry Development Act na magtatakda ng malinaw na direksyon at polisiya sa produksyon ng asin.

About The Author