Aprubado na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang panibagong importasyon ng humigit kumulang ng 150,000 metriko tonelada ng refined sugar.
Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban, Acting SRA chief Pablo Luis Azcona, at acting Board Member Millers Representative Ma. Mitzi Mangwag ang Sugar Order no. 7 na may petsang July 6.
Una nang sinabi ng Pangulo, na tumatayong agriculture secretary, layon ng pag-aangkat na ma-stabilize ang presyo ng asukal sa Pilipinas.
Nabatid na ito na ang ikatlong beses na nagkasa ng Sugar Import Program ang gobyerno para sa crop year 2022-2023. —sa panulat ni Airiam Sancho