Iginiit ni Sen. Imee Marcos na malabong maremedyuhan o maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pamamagitan ng importation o maximum access volume (MAV) lalo pa’t katatapos lang ng anihan.
Binigyang-diin ni Marcos na bagama’t ang pagluluwag sa proseso ng importasyon ng produktong agrikultural ay makapagpapababa sa presyo ng ibang mga produkto tulad ng sibuyas isda, baboy at asukal.
Gayunman, iginiit ng senadora na makaaapekto naman ito sa local producers partikular sa onion farmers na ngayon ay ibinibenta na ang kanilang aning sibuyas sa paluging presyo o’ presyo na mas mababa sa kanilang production cost
Sinabi ni Marcos na layunin ng inilabas na Administrative Order 20 ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na maibaba ang halaga ng pagkain.
Naniniwala ang senadora na mahalaga ang madalas na konsultasyon sa pagitan ng mga magsasaka, consumer at iba pang stakeholder upang mamonitor at masuri ang epekto ng pagluluwag sa proseso ng importasyon at ng mga nakalipas na MAV.
Dapat din anyang imbestigahan ang malaking agwat o diperensya sa pagitan ng farmgate at retail prices at umiiral na cartelization.