dzme1530.ph

Implementasyon ng Tatak Pinoy Act, sagot sa isyu ng red tape

Kumpiyansa si Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na mareresolba ng Tatak Pinoy Act ang problema ng bansa sa red tape na nagsisilbing hadlang sa pagpasok ng mga investor.

Sinabi ni Angara na matagal nang problema ng mga dayuhang negosyante ang red tape kaya’t nahahadlangan ang paglago ng investments.

Nagkaroon na aniya ng magandang epekto ang implementasyon ng Anti-Red Tape Act at Ease of Doing Business Act na naglalayong mapabilis ang mga transaksyon sa gobyerno.

At sa pagsasabatas anya ng Tatak Pinoy Act, malaki ang tiwala ng senador na mareresolba na ang mga isyu ng mga investor.

Alinsunod sa Section 15 ng batas, magtatayo ng green lanes para sa Tatak Pinoy investments upang mapabilis ang proseso ng mga permit, lisensya at iba pang sertipikasyon.

Magkakaroon din ng export green lane facility para sa advances processing ng mga dokumento ng exporters.

About The Author