Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na imomonitor nila ang implementasyon ng Sim Registration Act.
Sinabi ni Villanueva na babantayan nila kung papaano ang automatic deactivation ng mga hindi narehistrong sim card ay makakatulong na mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga scams at iba pang cyber-related crimes gamit ang sim.
Kasabay nito, hinimok ni Villanueva ang NTC, PNP at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno gayundin ang mga partner na pribadong sektor na paigtingin pa ang information campaigns tungkol sa mga modus na ginagawa para maloko ang mga kababayan at manakaw ang kanilang mga kitang pinaghirapan.
Bukod dito, pinasisilip din ng mambabatas ang mga umiiral na mga batas tulad ng Cybercrime Prevention Act of 2012 para alamin kung papaano pa mapapalakas ang batas laban sa mga naglipanang online scams ngayon.
Kaugnay dito ay naunang inihain ni Villanueva ang Senate Resolution 641 na layong imbestigahan ang mga hindi otorisado at iligal na pautang sa online na nanghaharass sa mga borrowers sa pamamagitan ng mapangabusong collection scheme. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News