dzme1530.ph

Implementasyon ng Scholarship Program ng gobyerno, pinabubusisi

Pinabubusisi ni Senador Win Gatchalian sa Senado ang implementasyoon ng Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act o ang E-GASTPE Law o ang Republic Act No. 8545.

Sa kanyang Senate Resolution No. 925, binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan para sa maayos na pagpapatupad ng programa sa ilalim ng GASTPE na naglalayong iangat ang kakayahan ng mga mag-aaral at tiyaking may access sa dekalidad na edukasyon ang mga kabataang nangangailangan.

Sa ilalim ng 2024 National Budget, 40.48 bilyong piso ang nilaan para sa GASTPE kung saan babayaran ng pamahalaan ang tuition at iba pang school fees ng mga mag–aaral na nangangailangang mula sa mga pampublikong paaralan na papasok sa mga pribadong paaralang may kontrata sa Department of Education (DEPED).

Subalit lumitaw sa report ng Commission on Audit (COA) na hindi mapatunayan ng mga paaralan na tunay na mag-aaral ang naitalang mga benepisyaryo, habang may mga benepisyaryo naman ng ESC na hindi pareho ang paralaan kung saan sila nakarehistsro at kung saan sila talagang nag-aaral.

May ibang ring mga benepisyaryo na hindi na pumapasok sa paaralan o kaya doble ang pangalan sa listahan.

Ayon pa sa ulat, hindi napunan ang ilang ESC slots batay sa pangangailangan ng mga nagsisikipang mga pampublikong paaralan at mababa rin ang participation at retention rates ng mga benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program (SHS VP) mula sa mga Public High School.

About The Author