dzme1530.ph

Implementasyon ng infrastructure projects ng gobyerno, mahigpit na babantayan

Loading

Nangako si Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na mahigpit na babantayan ang lahat ng proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.

Kasunod ito ng ulat hinggil sa umano’y pansamantalang pagsuspinde ng South Korea sa loan ng Pilipinas dahil sa isyu ng katiwalian sa ilang proyekto.

Nilinaw naman ng Department of Finance na walang loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na hindi maitatangging nakakakuha pa rin ng atensyon mula sa international community ang mga isyu ng korapsyon na maaaring makaapekto sa mahahalagang development projects ng bansa.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, iginiit ng senador na responsibilidad nitong tiyakin na ang lahat ng proyekto ay malaya sa anomalya at naisasagawa nang tapat para sa kapakinabangan ng sambayanan.

About The Author