dzme1530.ph

Impeachment trial, maituturing na unique proceedings, maaaring tumawid sa susunod na Kongreso

Loading

Naniniwala si Senate Minority Koko Pimentel na maaaring ituloy ng 20th Congress ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kahit na masisimulan ito ngayong 19th Congress.

Ipinaliwanag ni Pimentel na batay sa 1987 Constitution, bilang impeachment court magiging katulad ang Senado ng regular na korte at mga electoral tribunal.

Nangangahulugan na hindi magbabago ang docket, magpapatuloy ang paglilitis at hindi magbabalik sa zero ang lahat ng kaso kapag may napalitang mahistrado o hukom.

Ginawa ni Pimentel ang paliwanag kasunod ng duda ni Senator-Elect Tito Sotto III sa ligalidad ng pagtawid ng impeachment trial sa 20th Congress dahil kapag nagtapos na sa June 30 ang kasalukuyang Kongreso ay magwawakas din ang lahat ng naisumite rito.

Pero ayon kay Pimentel sui generis o unique ang impeachment proceedings.

Bilang legislative body lamang aniya magsasara sa June 30 ang Senado sa ilalim ng 19th Congress pero hindi matatapos ang pagiging impeachment court nito.

About The Author