Hindi makakasagabal sa trabaho ng Kongreso ang paglilitis ng Senate Impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Ito ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, sa harap ng napipintong trial, at pagtalakay sa panukalang 2026 national budget.
Aniya, may authorized panel of prosecutors na tututok sa impeachment proceedings, kaya karamihan sa House members ay buo ang panahon sa pagtalakay ng legislative measures.
Bukod pa riyan, palagi namang nakakahanap ng “middle ground” ang Kamara at Senado sa kabila ng magkakaibang posisyon sa iba’t ibang isyu.
Bukod sa national budget, ilan sa mga unang panukala na isinulong ng mga kongresista kahapon ay isyu kaugnay sa national security, pabahay, kalusugan at pang ekonomiya.
Para kay Abante, sumasalamin ito na nais tugunan ng mga mambabatas ang pangangailangan ng taumbayan.