NANINIWALA si Senador Ronald Bato dela Rosa na hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni dela Rosa na base anya ito sa kanilang research.
Sa tanong kung ano ang knayang gagawin kung sakaling matuloy sa 20th Congress ang trial, sinabi ni dela Rosa na kailangan pa itong mapag-usapan at sagutin ang isyu ng ligalidad.
Muli ring tiniyak ni dela Rosa na handa siyang tumayo bilang senator judge sa impeachment trial.
Iginiit din niya na hindi requirement para sa kanya ang usapin sa impeachment sa pagpili ng Senate President pagpasok ng 20th Congress.