![]()
Posibleng kahit naka-recess ang sesyon ng Kongreso, magpatuloy ang impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte.
Kasado na bukas ang hearing ng House Committee on Justice para ayusin ang lahat ng procedural issues at makuha ang kaukulang basbas ng plenary.
Paglilinaw ni panel chairperson Rep. Gerville Luistro ng Batangas, preliminary matters lamang ang pag-uusapan bukas dahil may 3 days pa ang mga complainants na mag-file ng answer.
Sa oras na madetermina ang sufficiency in grounds, maaari ng magpatuloy ang hearing proper kung may basbas ito ng komite sa bisa ng isang mosyon.
Lahat ng requests at iba pang bagay na may kaugnayan sa ebidensya at mga testigo ay puwede nang ipresenta ng magkabilang kampo.
Inaasahan na ang komite ay magpapatuloy sa pagtukoy sa sufficiency in grounds sa oras na makumpleto na ang required pleadings na siyang magbibigay daan para sa full hearings ng dalawang reklamo.
