![]()
Sa pagsisimula ng impeachment hearing sa Committee on Justice, binigyan-linaw ni House Speaker Faustino Bojie Dy III na ito ay constitutional process, hindi political performance at hindi rin venue para sa trial by publicity.
Paliwanag ni Dy, sa saligang batas, ang House of Representatives lamang ang may “solemn duty na alamin kung ang impeachment complaint ay sufficient sa form at substance.”
Saad pa ni Dy, ang impeachment ay hindi sa personalidad, kundi sa tanggapan o institusyon.
Lahat umano ng elected officials kabilang na ang Bise Presidente ay deserve ang fairness, due process, at presumption na ang ibinibintang ay kailangang masuring mabuti.
Ganyan din umano ang karapatan ng mga nag-a-akusa na ginamit ang constitutional mechanism.
Bilang speaker, sinabi ni Dy na ang kanyang tungkulin ay hindi i-pre-judge ang proseso o impluwensyahan ang komite.
Tungkulin niya umanong tiyakin na gumagana ang kamara nang propesyonal, maayos, at tapat sa saligang batas.
