dzme1530.ph

Impeachment proceedings, dapat gawin nang mabilis upang maka-move on agad ang bansa

Loading

Iginiit ni Sen. JV Ejercito na kung masisimulan na ang impeachment proceedings mas makabubuti kung mabilis itong matatapos.

Sinabi ni Ejercito na malinaw sa konstitusyon na mandato ng mga senador na dinggin ang impeachment complaint na iniakyat na sa kanila ng Kamara.

Iginiit ng senador na hindi na mahalaga kung pabor ba siya o hindi sa impeachment at ang dapat anyang pagtuunan ng pansin ay ang agad nang matugunan ang mga problemang kailangang solusyunan ng gobyerno.

Ipinalala ng mambabatas na napag-iiwanan na ang Pilipinas ang mga kapitbahay nating bansa sa Asya sa pag-unlad dahil sa hindi natatapos na usaping pulitikal sa ating bansa.

Aminado naman si Ejercito na posibleng maging usaping ligal at pagdedebatehan ang posibleng pagtawid ng impeachment proceedings sa 20th Congress subalit sa huli naman aniya ang plenaryo o ang desisyon ng mayorya ng senador ang mananaig.

Muling iginiit ni Ejercito na nagdudulot ng pagkakawatak-watak ang impeachment dahil ito ay prosesong pulitikal.

About The Author