![]()
Idineklarang sufficient in form ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa botong 46 na pabor sa deklarasyon ng sufficiency in form ang reklamo ni Atty. Andre De Jesus kung saan isa lamang ang kumontra sa katauhan ni Cong. Benny Abante at isa pa ang nag-abstain.
Sa botong 35 na pabor, 9 na kontra at isang nag-abstain, idineklarang sufficient in form ang reklamo ng Makabayan Bloc.
pasado alas-dyes ng umaga kanina nang binuksan ng House Committee on Justice ang impeachment hearing laban sa Pangulo.
Inusisa muna ng mga kongresistang kasapi ng komite ang epekto ng sc ruling na posibleng magpabago sa gamit na rules of impeachment.
Maging ang phrase na “session day at calendar day” ay tinanong din ng mga kongresista.
Nanindigan naman si House Justice Panel Chairperson Gerville “Jinky Bitrick” Luistro na hindi siya ang may say sa mga bagay na tinatanong ng mga mambabatas dahil call umano ito ng House Leader.
Binigyan muna ng pagkakataon ang apat na endorsers—si Cong. Jervie Nisay sa first complaint, at sina Rep. Antonio Tinio, Rep. Sarah Jane Elago, at Rep. Renee Co sa second impeachment complaint—na mag-deliver ng kanilang mga statement.
Nagwalk out naman sa proseso si Abante sa paggiit na pagsasayang lamang ng pera ng taumbayan ang isinasagawang pagdinig.
Bukas naman tatalakayin kung sufficient in substance ang mga reklamo.
