dzme1530.ph

Impeachment complaint laban kay VP Sara, tutugunan ng Kamara

Ipo-proseso ng House of Representatives ang impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte, dahil bahagi ito ng kanilang mandato sa ilalim ng Konstitusyon.

Sinabi ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman na walang pagpipilian ang Kamara kundi tugunan ang reklamo laban sa Bise Presidente dahil bahagi ito ng kanilang tungkulin.

Sinegundahan naman ito ni House Deputy Majority Leader at Tingog party-list Rep. Jude Acidre sa pagsasabing tungkulin ng mga mambabatas na tuparin ang kanilang mandato na aksyunan ang impeachment complaint na inihain sa Kamara.

Noong Lunes ay inihain ng advocacy groups, kabilang ang civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives, at mga pamilya ng mga biktima ng Extrajudicial Killings, ang impeachment complaint laban kay VP Sara, at inendorso ito ni Akbayan party-list Rep. Percy Cendeña. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author