dzme1530.ph

Impeachment complaint laban kay VP Sara, ‘buhay pa’ habang may MR sa SC

Loading

Naniniwala si constitutional law expert Atty. Domingo Cayosa na hindi pa tuluyang patay ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, kahit ini-archive na ito ng Senado.

Aniya, nananatiling buhay ang kaso hangga’t may naka-pending na motion for reconsideration ang Kamara sa Korte Suprema, at hindi pa ito pinal.

Ibinunyag din nito na may iba pang petitioners ang nais sumali sa MR laban sa SC ruling.

Iginiit ni Cayosa na mahalagang magkaroon ng oral argument sa Korte Suprema upang mas maipaliwanag sa publiko ang legal issues ng kaso at ang basehan ng desisyon ng Korte.

About The Author