dzme1530.ph

Impeachment complaint laban kay VP Sara, buhay na buhay pa, ayon kay Sen. Hontiveros

Loading

Alive and kicking pa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang iginiit ni Sen. Risa Hontiveros kasunod ng pagbabalik ng articles of impeachment sa Kamara.

Binigyang-diin ni Hontiveros na naisilbi na ng impeachment court sa Bise Presidente ang summons para pasagutin siya sa loob ng 10 araw sa mga alegasyong nakapaloob sa articles of impeachment.

Nakagawa na rin aniya ang Kamara ng certification na naaayon sa konstitusyon bagama’t hindi pa ito naipapadala sa Senado na nag-convene na bilang impeachment court.

Dahil dito, inaasahan ni Hontiveros na magpapatuloy ang impeachment trial sa pagpasok ng 20th Congress sa Hulyo.

Iginiit ng senador na dapat magtuloy-tuloy ang impeachment trial dahil alinsunod sa konstitusyon, mandato ng mga senador na talakayin ang reklamo hanggang makapaglabas ng hatol.

Binigyang-diin na wala sa konstitusyon ang dismissal ng impeachment cases o kahit ang pagpapabalik nito sa Kamara.

Babala pa ng senador na posibleng magkaroon ng constitutional crisis kung walang maganap na impeachment trial sa susunod na Kongreso.

About The Author