Hindi itinturing na urgent issue ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Imee Marcos kasabay ng kumpirmasyon na nagkaisa silang mga senador na sa Hulyo na talakayin ang isyu.
Pasaring pa ng senador na dalawang taon na nilang naririnig ang planong impeachment at dalawang buwan na nakatenga sa Kamara kaya’t nagtataka siyang last minute ipinadala sa Senado.
Kung dalawang buwan aniyang itinengga sa Kamara ang reklamo ay malinaw na hindi ito urgent na usapin.
Una nang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na posibleng sa Hulyo pa o sa ilalim na ng 20th Congress masimulan ang proper trial sa impeachment.