dzme1530.ph

Impeachment case laban kay VP Sara, maari pang hugutin sa archive

Loading

Patay na, pero hindi pa tuluyang inililibing.

Ganito inilarawan ni Sen. Imee Marcos ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na kanilang ini-archive sa botong 19-4-1, kagabi.

Ayon kay Marcos, maituturing na “deadfile” ang kaso matapos magdesisyon ang Senado na sumunod sa ruling ng Korte Suprema.

Kinatigan ng senadora ang pahayag ni dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna, na nagsabing maaari pang hugutin at buhayin ang kaso mula sa archive kung magkakaroon ng reversal sa naunang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang inihaing reklamo ng Kamara.

Gayunman, aminado ang mambabatas na “highly unlikely” ang pagbaligtad ng isang unanimous decision ng Supreme Court.

Samantala, kinumpirma rin ni Marcos na naka-text niya si VP Sara Duterte matapos ang botohan, at nagpasalamat ito sa Panginoon.

About The Author